09292015. grabe ka august. Imbes na bumili ako ng materials para sa project namin ni pam sa nstp, nagpunta ko sa bahay nyo, nakifiesta, kasi gusto pa kitang makasama ng matagal. Kasi pakiramdam ko ang layo layo mo sakin netong mga nakaraang araw. Siguro mukha na kong sobrang tanga, pero kung sobrang katangahan na yung hangarin na makasama ka ng matagal, guilty na ko at hindi na ko papalag. Narinig pa kita nung sinabihan ka ni sheng na paasa ka “daw” sabi mo “hindi ako ganun sheng” at oo, totoo hindi ka naman talaga ganun. Ako yung umasa. Ako lang dapat yung nahihirapan, at ayokong mahirapan ka dahil sakin. Natutuwa ako sa pamilya mo, lalo na sa mama mo. Pinalaki ka nila ng maayos, may respeto, magalang, sobrang bait mo sa mga bata, nasayo na ata lahat ng gusto ko. Pero ang pinakamasakit na katotohanan, ay kahit gaano pa karami ang madiskubre ko sa buhay mo na magugustuhan ko, ako hindi mo naman ako magugustuhan eh. At ayoko nang umasa. Pwede kiligin, pero bawal umasa. Kasi nga sabi mo pag tropa, tropa.

+