bata ka pa. matanda na ko. marami ka pang makikilala, at hindi dapat kita pinipigilan dun. nung kasingedad kasi kita, nasa bahay lang ako, takot kasi ako sa tao. masaya ko at nakilala kita. masaya ko at napatibok mo yung puso ko ng ganito, pero desidido na talaga kong itigil to. para sa ikakabubuti ko. para wala nang awkwardness. kung magsalita ako, akala mo merong something sa atin. sabi ko sayo, assuming akong tao. ayokong may mangyari na ikasira ng pagkakaibigan natin. eto na lang talaga yung motivation ko para itigil ko na tong nararamdaman ko. matanda na ko, dapat alam ko na yung mga ganitong bagay, dapat hindi na ko pabebe. sorry nadamay ka pa sa kabebehan ko, wala lang siguro kong magawa.

+